NPA laban sa Tsina ang pag-asa ng bayan

Kung makaangal sa presensya ng mga militar at kapulisan sa mga campus at kung anong lugar para sa seguridad laban sa terorista, wagas.

Tapos biglang demand na makipagmatigasan sa Tsina? E kaya walang kwenta ang armed forces natin dahil na rin sa mga TRAPONG takot na tutukan ang hukbong sandatahan natin dahil konting kibot e human rights violator na agad ang paratang ng mga makakaliwang grupo para ma-hostage ang boto at suporta. Ilang taong kapabayaan din yan, dahil sa ganyang kalakaran sa pulitika. Kaya eto tayo ngayon sa kawawang estado ng ating hukbong sandatahan.

Tapos ora-orada kang magpapakitang siklab ng ano? Karag-karag na bangka at lumang eroplano? Maganda yan, baka mamatay nga ang mga kalaban. Sa kakatawa.

Ilang taong demonization campaign sa militar tapos etong mga tukmol na aktibista kuno biglang kabig na kailangan lumaban? Ano akala nyo dito away-kanto? Nababasa nyo ba utak ng kalaban at kung anong pwede nyang gawin sakaling makipagtulakan din tayo? Porket di umabot sa basagan ng mukha sa Indonesia e ganun din pag tayo ang pumalag? E kung pumalag nga at gamitan tayo ng lakas nila? Ano? Pati mga mangkukulam at manananggal ipa-enlist nyo na para may laban naman tayo kahit papano.

Tutulungan ng US at ibang bansa? E numero unong mga oportunista at manggagamit din yang mga yan. Nung nag-girian yun navy natin sa utos ni Aquino dati, tumakbo ang mokong ke Obama para magpasaklolo, e ano ang sagot? “Uwi ka na lang. Hanap kayo ng mediator na di rin naman kinikilala ng kalaban mo basta labas kami dyan”.

Napakagaling na “kakampi”. Mas magaling na manlalaglag.

At napakatatapang ng mga bugok dito dahil di naman nila sagutin ang kung anong magiging resulta ng mga desisyon na padalos dalos. Pero ok lang din naman.

Wala na kayong maloloko.

Ang mga santong NPA ang pag-asa ng bayan.

Amen.

Leave a Reply