Ang hindi mapigilang gawain ng maraming tao ay palabasin na problema ng buong bansa o kahit ng buong mundo pa nga ang isang bagay na, sa totoo, ay personal mo lang na problema.
Bakit ba nahihiya ang mga tao aminin na pansariling kapakanan nila ang pangunahin nilang isinusulong? Ano ang nakakahiya doon?
Ano ba ang nakakahiya, Coco Martin, sa pag-amin na kaya ka galit sa pagsasara ng ABS-CBN ay dahil sa milyon-milyong mawawala sa iyo dahil dyan? Totoo naman iyan. At di mo naman ninakaw yan.
Yun nga lang, dapat handa ka rin na sabihan ka ng mga tao na ano’ng paki ko dyan? At huwag naman sabihin na may paki ang mga tao kasi nanonood sila ng Ang Probinsyano.
Coco, maghahanap lang ng bagong mapapanood ang mga tao kapag di na nila mapanood ang Ang Probinsyano.
Yes, galit ka sa gobyerno kasi mawawalan ka ng milyones. Pero hindi ko pa rin makita kung paano ito naging problema ng buong bansa.
[As posted by Van Ybiernas on Facebook]